Pagpapatuloy
Ano? Gawan mo ng paraan. Kung kailangang pasakan mo ng tela ang pwerta niyan, gawin mo. Ako pa ang pinoproblema mo riyan. Ang tagal- tagal mo nang ginagawa yan, hindi ka pa nasanay."
''Pero..."
"Pumasok kna sa loob. Tawagin mo na lang ako kapag nailaglag mna ang bata."
Tahimik na sumunod lamang ito sa kanya.
Mayamaya ay lumabas uli ito.
"Hijo, nawalan na ng malay ang babaeng kasama mo. Pinulsuhan ko, wala na akong madama.'
"Putang ina!" Dali-daling pumasok sya sa loob ng kubo. Pinulsuhan niya si Grace. Wala na nga syang madama at nagkalat ang dugo nito sa sahig. Maputlang-maputla na rin ang kulay nito at hndi na humihinga. Binalingan nya ang matanda. "Ibalot mo sa kumot. Ako na ang bahala ryan."
Nang matapos nito ang inuutos nya ay binuhat kaagad nya si Grace at ipinasok sa backseat ng sasakyan nya.
"Tanda saan may ilog dito?"
"Sa pagkaliwa sa kanto. Dire-diretso lang."
Pagkarinig sa diriksyon ay dali-dali na nyang pinasibad ang sasakyan nya.
Nang makita na nya ang ilog ay binuhat nya si Grace mula sa backseat at pinaanod sa ilog.
"tAPOS ang problema." Pasipol-sipol pa sya habang pabalik sa sasakyan niya.
Ilang araw ng inihanda ni Dante ang pananakit ng katawan nya. Bawat araw kc na lumilipas ay tila my mga bukol sa ibat-ibang parte sa katawan nya.
Ngpasya syng magpatingin na sa isang espesyaslista ngunit walang makita ang mga ito na sanhi ng mga bukol nya. Naninikip din ang kanyang dibdib at kinakapos sya ng hininga. Tila my kung anong bumabalot sa kanyang katawan na hindi nya maunawaan kung ano.
Kesa isipin ang mga nangyayari sa knya ay nagpasya syang magsugal na lamang at uminom ng ilang bote ng alak.
Pauwi na sya at nag-iisa sa kanyang sasakyan nang maramdaman nyang may tao sa backseat nya.
Nang lumingon sya ay wla nman syang nakita. Nagpasya syang i-on na lamang ang car stereo nya.
Prente na syang nagmamaneho nang mapatingin sya sa rearview mirror. Laking gulat nya ng my makita syamg tila tao na nakabalot ng kumot. Napamura sya!.
Pinaspasan nya ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan. Nagtataka sya kung bakit hndi matapos tapos ang dilim sa daang tintahak nya. Sa kauna unahang pagkakataon ay sinagilahan sya ng takot........hindi ko ulit ntapos haaay.........to be continue
No comments:
Post a Comment