''Basang-basa ang katawan nito at natutuklap na ang mga balat na animo naaagnas na."
Masayang nakikipag-inuman si Dante sa mga kabarkada niya nang mag-ring ang cell phone niya.Ang bagong babae sa buhay niya ang tumatawag, si Grace. Maganda ito at maputi, higit sa lahat, birhin nang makuha niya. Saglit na panliligaw at pambobola lamang niya ay kaagad na itong bumigay sa kanya.
"Hello, hon. Napatawag ka?"
"Dante, kailangan nating mag-usap."
"Tungkol naman saan? Saka bakit malungkot yata ang boses mo?
"Dante delayed ako. Two months na."
"Huwag kang mag-alala, hon. Madaling masolusyunan yan."
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
"Ako na'ng bahala. Susunduin kita sa eskwelahan bukas ng alas-siyete ng gabi. May pupuntahan tayo." Iyon lamang at in-off na niya ang cell phone niya. Wala siyang balak i-entertain ang pangungulit nito. Sanay na siya sa mga ganoong sitwasyon. Ilang babae na Ang nabola niya at iniwan niya. Ilang babae na rin ang nabuntis niya na hinddi niya hinahayaang matuloy. Masaya pa siyang nagpapaasa sa mga magaganda at makikinis na babae at wala siyang balak na magpatali sa kasal.
Leader siya ng isang sindikato ng droga kaya kayang-kaya niyang makuha ang ano mang maibigan niya nang hindi nag-aalala sa pera. Nakakapagsugal siya, nakakainum, at higit sa lahat, nakakapambabae siya ano mang oras na gustuhin niya. Hawak niya ang mag pulis kaya patuloy ang masagana at masayang buhay niya.
Pero siyempre, habang kasalukuyang nililigawan niya ang babaeng natitipuhan niya ay hindi alam na mga ito ang tunay na negosyo niya. Pero kung sakali man, ano pa ang magagawa na mga ito kung hulog na ang mga ito sa kanya at nakuha na niya ang katawan ng mga ito? Iyon lang ang importante.
ALAS-SIYETE ng gabi ay nasa tapat na siya na eskwelahang pinapasukan ni Grace. Nang makita ito ay pinapasok kaagad niya ito sa sasakyan niya.
"Saan ba talaga pupunta?" tanong nito.
"Huwag ka nang magtanong. Basta manahimik ka nalang diyan.
sa San Isidro ang tungo nila. Isang liblib na baryo iyon. Naroon ang matandang komadrona na naglalaglag sa mga binhing nabubuo niya.
Als-nuwebe ng gabi ay nroon na sila. Sarado ang bahay at madilim na sa paligid. Kinatok niya ang bahay ng matanda.
"tandang Hule, may kasama akong babae. Alam mo na ang gagawin mo." aniya rito pagbukas pa lamang nito ng pinto.
"Hijo, pang ilan nang bata-"
'Wala kang pakialam kung pang-ilang bata na ang ipinalaglag ko sayo. Basta sundin mo ang inuutos ko. Maliwanga ba?"
Tumango lamang ito. Iba talaga ang nagagawa ng pera at kapangyarihan. Tinakot niya ito na wala rin itong magagawa kung magsumbong man ito sa kapulisan. sinabi niyang hawak niya ang mga pulis ta kaya niyang baliktarin ang batas. Isa pa, nakatutok dito ang baril niya kaya mapapasunod niya ito sa sa anumang iutos niya. Pero kahit paano ay mabait naman siya rito. Ilang lilibuhin din ang iniiwan niya rito pagkatapos nitong mailaglag ang mga batang nabubuntis niya.
"D-dante, anong ipapagawa mo sa akin?"
mangiyak-ngiyak na tanong ni Grace.
"Huwag ka nang umarte riyan. Sumunod ka na lang sa matandang yan."
"Dante, ayokong ipalaglag ang anak natin"
Inilabas niya ang baril niya at itinutok dito. "Hindi ka ba susunod skin?"
Hindi na ito nakapagsalita. sa bawat sabihin ng matanda ay sumusunod lamang ito. Mayamaya lamang ay nakahiga na ito sa papag at nakabukaka na. Ayaw niyang makita ang maarteng pag-iyak nito kaya lamabas muna siya para manigarilyo.
Mayamaya ay pinukaw siya ng matanda. 'Dante, ayaw tumigil ng pagdurugo ng kasama mo, kailangang siya madala sa ospital.
"Ano? Gawan mo ng paraan. kung kailangang pasakan mo ng tela ang pwerta niyan, gawin mo. Ako pa ang pinoproblema mo riyan. Ang tagal tagal mo nang ginagawa mo yan_ to be continue..................